Simula · 66 aklat · Lumang Tipan
Mga Aklat ng Kasaysayan · aklat 12 sa 662 Mga Hari
Ang paghahari ng mga hari ng Israel at Juda hanggang sa pagkawasak ng dalawang kaharian: ang mga himala ni Eliseo, ang pagbagsak ng Samaria sa Asiria at ng Jerusalem sa Babilonia, at ang pagkabihag ng bayan.
Ang mga unang talata
2 Mga Hari 1 (Ang Biblia 1905): dito nagsisimula ang buong aklat.
- 2 Har 1:1
At ang Moab ay nanghimagsik laban sa Israel pagkamatay ni Achab.
- 2 Har 1:2
At si Ochozias ay nahulog sa silahia sa kaniyang silid sa itaas na nasa Samaria, at nagkasakit: at siya’y nagsugo ng mga sugo, at nagsabi sa kanila, Kayo ay magsiyaon, usisain ninyo kay Baal-zebub, na dios sa Ecron, kung ako’y gagaling sa sakit na ito.
- 2 Har 1:3
Nguni’t sinabi ng anghel ng Panginoon kay Elias na Thisbita, Ikaw ay bumangon, umahon ka na salubungin mo ang mga sugo ng hari ng Samaria, at sabihin mo sa kanila, Dahil ba sa walang Dios sa Israel, na kaya kayo’y nagsisiyaon upang magsipagusisa kay Baal-zebub na dios sa Ecron?
- 2 Har 1:4
Ngayon nga’y ganito ang sabi ng Panginoon, Ikaw ay hindi bababa sa higaan na iyong sinampahan, kundi walang pagsalang ikaw ay mamamatay. At si Elias ay umalis.
- 2 Har 1:5
At ang mga sugo ay nagsibalik sa kaniya, at sinabi niya sa kanila. Bakit kayo’y nagsibalik?
2 Mga Hari: 25 kabanata
Bawat kabanata ay may sariling pahina, na may buong teksto.
Ipagpatuloy ang pagbabasa
Ang 2 Mga Hari ay ang aklat 12 sa 66 ng Ang Biblia (1905): 25 kabanata, 719 talata, tekstong pampublikong dominyo.