Simula · 66 aklat · Bagong Tipan

Mga Pangkalahatang Sulat · aklat 61 sa 66

2 Pedro

Babala laban sa mga huwad na guro at paalaala na tiyak ang pagbabalik ng Panginoon: sa kaniya, ang isang araw ay parang isang libong taon. Lumago sa biyaya at sa kaalaman ni Jesucristo.

3kabanata
61talata
2 Peddaglat
BTBagong Tipan

Ang mga unang talata

2 Pedro 1 (Ang Biblia 1905): dito nagsisimula ang buong aklat.

  1. 2 Ped 1:1

    Si Simon Pedro, na alipin at apostol ni Jesucristo, sa nagsipagkamit na kasama namin ng mahalagang pananampalataya sa katuwiran ng ating Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo:

  2. 2 Ped 1:2

    Biyaya at kapayapaan ang sa inyo’y dumami sa pagkakilala sa Dios at kay Jesus na Panginoon natin;

  3. 2 Ped 1:3

    Yamang ipinagkaloob sa atin ng kaniyang banal na kapangyarihan ang lahat ng mga bagay na nauukol sa kabuhayan at sa kabanalan, sa pamamagitan ng pagkakilala sa kaniya na tumawag sa atin sa pamamagitan ng kaniyang sariling kaluwalhatian at kagalingan;

  4. 2 Ped 1:4

    Na dahil dito ay ipinagkaloob niya sa atin ang kaniyang mahahalaga at napakadakilang pangako; upang sa pamamagitan ng mga ito ay makabahagi kayo sa kabanalang mula sa Dios, yamang nakatanan sa kabulukang nasa sanglibutan dahil sa masamang pita.

  5. 2 Ped 1:5

    Oo, at dahil din dito, sa pagkaragdag sa ganang inyo ng buong sikap, ay ipamahagi ninyo sa inyong pananampalataya ang kagalingan; at sa kagalingan ay ang kaalaman;

2 Pedro: 3 kabanata

Bawat kabanata ay may sariling pahina, na may buong teksto.

Ipagpatuloy ang pagbabasa

Ang 2 Pedro ay ang aklat 61 sa 66 ng Ang Biblia (1905): 3 kabanata, 61 talata, tekstong pampublikong dominyo.