Simula · 66 aklat · Bagong Tipan
Mga Sulat ni Pablo · aklat 55 sa 662 Timoteo
Ang huling sulat ni Pablo, isinulat sa bilangguan bago siya mamatay: «Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo.» Ang buong Kasulatan ay kinasihan ng Dios at mapapakinabangan.
Ang mga unang talata
2 Timoteo 1 (Ang Biblia 1905): dito nagsisimula ang buong aklat.
- 2 Tim 1:1
Si Pablo, na apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, ayon sa pangako ng buhay na nasa kay Cristo Jesus,
- 2 Tim 1:2
Kay Timoteo na aking minamahal na anak: Biyaya, kaawaan, kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Panginoon natin.
- 2 Tim 1:3
Nagpapasalamat ako sa Dios, na mula sa aking kanunununuan ay aking pinaglilingkuran sa budhing malinis, na walang patid na inaalaala kita sa aking mga daing, gabi’t araw;
- 2 Tim 1:4
Na kinasasabikan kong makita kita, na inaalaala ang iyong mga pagluha, upang ako’y mapuspos ng kagalakan;
- 2 Tim 1:5
Na inaalaala ko ang pananampalatayang hindi pakunwari na nasa iyo; na namalagi muna kay Loida na iyong lelang, at kay Eunice na iyong ina; at, ako’y naniniwalang lubos, na nasa iyo rin naman.
2 Timoteo: 4 kabanata
Bawat kabanata ay may sariling pahina, na may buong teksto.
Ipagpatuloy ang pagbabasa
Ang 2 Timoteo ay ang aklat 55 sa 66 ng Ang Biblia (1905): 4 kabanata, 83 talata, tekstong pampublikong dominyo.