Simula · 66 aklat · Lumang Tipan
Mga Dakilang Propeta · aklat 26 sa 66Ezekiel
Ang propeta ng mga bihag sa Babilonia: ang pangitain ng kaluwalhatian ng Dios, ang paghatol sa Jerusalem at sa mga bansa, ang libis ng mga tuyong buto na nabuhay, at ang bagong templo. Ang Dios ay magbibigay ng bagong puso at bagong espiritu.
Ang mga unang talata
Ezekiel 1 (Ang Biblia 1905): dito nagsisimula ang buong aklat.
- Eze 1:1
Nangyari nga nang ikatatlong pung taon, sa ikaapat na buwan, nang ikalimang araw ng buwan, samantalang ako’y kasama ng mga bihag sa pangpang ng ilog Chebar, na ang langit ay nabuksan, at ako’y nakakita ng mga pangitain mula sa Dios.
- Eze 1:2
Nang ikalimang araw ng buwan, na siyang ikalimang taon ng pagkabihag ng haring Joacim,
- Eze 1:3
Ang salita ng Panginoon ay dumating na maliwanag kay Ezekiel na saserdote, na anak ni Buzi, sa lupain ng mga Caldeo sa pangpang ng ilog Chebar: at ang kamay ng Panginoon, ay sumasa kaniya.
- Eze 1:4
At ako’y tumingin, at, narito, isang unos na hangin ay lumabas na mula sa hilagaan, na isang malaking ulap, na may isang apoy na naglilikom sa sarili, at isang ningning sa palibot, at mula sa gitna niyao’y may parang metal na nagbabaga, mula sa gitna ng apoy.
- Eze 1:5
At mula sa gitna niyao’y nanggaling ang kahawig ng apat na nilalang na may buhay. At ito ang kanilang anyo, Sila’y nakawangis ng isang tao;
Ezekiel: 48 kabanata
Bawat kabanata ay may sariling pahina, na may buong teksto.
Ipagpatuloy ang pagbabasa
Ang Ezekiel ay ang aklat 26 sa 66 ng Ang Biblia (1905): 48 kabanata, 1,273 talata, tekstong pampublikong dominyo.