Simula · 66 aklat · Lumang Tipan
Mga Dakilang Propeta · aklat 24 sa 66Jeremias
Ang propetang tumatangis: si Jeremias ay nagbabala sa Jerusalem ng pagkawasak sa kamay ng Babilonia at nagpahayag ng bagong tipan na isusulat ng Dios sa puso. «Ako'y nakakaalam ng mga pagiisip na aking iniisip sa inyo… mga pagiisip tungkol sa kapayapaan.»
Ang mga unang talata
Jeremias 1 (Ang Biblia 1905): dito nagsisimula ang buong aklat.
- Jer 1:1
Ang mga salita ni Jeremias na anak ni Hilcias, isa sa mga saserdote na nasa Anathoth sa lupain ng Benjamin:
- Jer 1:2
Na dinatnan ng salita ng Panginoon nang mga kaarawan ni Josias na anak ni Amon, na hari sa Juda, nang ikalabing tatlong taon ng kaniyang paghahari.
- Jer 1:3
Dumating din nang kaarawan ni Joacim na anak ni Josias, hari sa Juda, nang katapusan nang ikalabing isang taon ni Sedechias, na anak ni Josias, hari sa Juda, hanggang sa pagkabihag ng Jerusalem nang ikalimang buwan.
- Jer 1:4
Ang salita nga ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
- Jer 1:5
Bago kita inanyuan sa tiyan ay nakilala kita, at bago ka lumabas sa bahay-bata ay pinapaging banal kita; inihalal kitang propeta sa mga bansa.
Jeremias: 52 kabanata
Bawat kabanata ay may sariling pahina, na may buong teksto.
Ipagpatuloy ang pagbabasa
Ang Jeremias ay ang aklat 24 sa 66 ng Ang Biblia (1905): 52 kabanata, 1,364 talata, tekstong pampublikong dominyo.