Simula · 66 aklat · Lumang Tipan

Mga Maliliit na Propeta · aklat 29 sa 66

Joel

Isang salot ng balang ang naging babala tungkol sa Araw ng Panginoon. Panawagan sa pagsisisi at pangako na ibubuhos ng Dios ang kaniyang Espiritu sa lahat ng laman, na natupad noong Pentecostes.

3kabanata
73talata
Joeldaglat
LTLumang Tipan

Ang mga unang talata

Joel 1 (Ang Biblia 1905): dito nagsisimula ang buong aklat.

  1. Joel 1:1

    Ang salita ng Panginoon na dumating kay Joel na anak ni Pethuel.

  2. Joel 1:2

    Dinggin ninyo ito, ninyong mga matanda, at pakinggan ninyo, ninyong lahat na mananahan sa lupain. Nagkaroon baga nito sa inyong mga kaarawan o sa mga kaarawan ng inyong mga magulang?

  3. Joel 1:3

    Saysayin ninyo sa inyong mga anak, at saysayin ng inyong mga anak sa kanilang mga anak, at ng kanilang mga anak sa susunod na lahi.

  4. Joel 1:4

    Ang iniwan ng tipaklong, ay kinain ng balang; at ang iniwan ng balang ay kinain ng uod; at ang iniwan ng uod ay kinain ng kuliglig.

  5. Joel 1:5

    Magsibangon kayo, kayong mga manglalasing, at magsiiyak kayo; at manambitan kayo, kayong lahat na manginginom ng alak, dahil sa matamis na alak; sapagka’t nahiwalay sa inyong bibig.

Joel: 3 kabanata

Bawat kabanata ay may sariling pahina, na may buong teksto.

Ipagpatuloy ang pagbabasa

Ang Joel ay ang aklat 29 sa 66 ng Ang Biblia (1905): 3 kabanata, 73 talata, tekstong pampublikong dominyo.