Simula · 66 aklat · Lumang Tipan
Mga Maliliit na Propeta · aklat 32 sa 66Jonas
Ang propetang tumakas sa Dios, nilamon ng isang malaking isda, at sa wakas ay nangaral sa Ninive — na nagsisi. Isang aklat tungkol sa habag ng Dios sa lahat ng bansa, kahit sa mga kaaway ng Israel.
Ang mga unang talata
Jonas 1 (Ang Biblia 1905): dito nagsisimula ang buong aklat.
- Jon 1:1
Ang salita nga ng Panginoon ay dumating kay Jonas na anak ni Amittai, na nagsasabi,
- Jon 1:2
Bumangon ka, pumaroon ka sa Ninive, sa malaking bayang yaon, at humiyaw ka laban doon; sapagka’t ang kanilang kasamaan ay umabot sa harap ko.
- Jon 1:3
Nguni’t si Jonas ay bumangon upang tumakas na patungo sa Tarsis mula sa harapan ng Panginoon; at siya’y lumusong sa Joppe, at nakasumpong ng sasakyan na patungo sa Tarsis: sa gayo’y nagbayad siya ng upa niyaon, at siya’y lumulan, upang yumaong kasama nila sa Tarsis mula sa harapan ng Panginoon.
- Jon 1:4
Nguni’t ang Panginoon ay nagpasapit ng malakas na hangin sa dagat, at nagkaroon ng malakas na unos sa dagat, na anopa’t ang sasakyan ay halos masira.
- Jon 1:5
Nang magkagayo’y nangatakot ang mga taong dagat at dumaing ang bawa’t tao sa kanikaniyang dios; at kanilang inihagis sa dagat ang mga daladalahang nangasa sasakyan upang makapagpagaan sa kanila. Nguni’t si Jonas ay bumaba sa pinakaloob na bahagi ng sasakyan; at siya’y nahiga at nakatulog ng mahimbing.
Jonas: 4 kabanata
Bawat kabanata ay may sariling pahina, na may buong teksto.
Ipagpatuloy ang pagbabasa
Ang Jonas ay ang aklat 32 sa 66 ng Ang Biblia (1905): 4 kabanata, 48 talata, tekstong pampublikong dominyo.