Simula · 66 aklat · Lumang Tipan

Mga Aklat ng Kasaysayan · aklat 16 sa 66

Nehemias

Si Nehemias, tagapagsilbi ng hari ng Persia, ay bumalik sa Jerusalem upang muling itayo ang mga kuta ng lungsod sa loob ng limampu't dalawang araw sa kabila ng pagsalungat. Isang aklat ng panalangin, pamumuno at pagpapanibago ng tipan.

13kabanata
406talata
Nehdaglat
LTLumang Tipan

Ang mga unang talata

Nehemias 1 (Ang Biblia 1905): dito nagsisimula ang buong aklat.

  1. Neh 1:1

    Ang mga salita ni Nehemias na anak ni Hachalias. Nangyari nga sa buwan ng Chislu, sa ikadalawang pung taon, samantalang ako’y nasa bahay-hari sa Susan.

  2. Neh 1:2

    Na si Hanani, na isa sa aking mga kapatid, ay dumating, siya at ilang lalake na mula sa Juda; at tinanong ko sila ng tungkol sa mga Judio na nakatanan, na nangaiwan sa pagkabihag, at tungkol sa Jerusalem.

  3. Neh 1:3

    At sinabi nila sa akin, Ang nalabi na naiwan sa pagkabihag doon sa lalawigan, ay nasa malaking kapighatian at kakutyaan: ang kuta naman sa Jerusalem ay nabagsak, at ang mga pintuang-bayan ay nangasunog sa apoy.

  4. Neh 1:4

    At nangyari, nang marinig ko ang mga salitang ito, na ako’y naupo at umiyak, at nanangis na ilang araw; at ako’y nagayuno, at dumalangin sa harap ng Dios ng langit.

  5. Neh 1:5

    At nagsabi, Aking idinadalangin sa iyo, Oh Panginoon, na Dios ng langit, na dakila at kakilakilabot na Dios, na nagiingat ng tipan at kaawaan sa nagsisiibig sa kaniya, at nangagiingat ng kaniyang mga utos:

Nehemias: 13 kabanata

Bawat kabanata ay may sariling pahina, na may buong teksto.

Ipagpatuloy ang pagbabasa

Ang Nehemias ay ang aklat 16 sa 66 ng Ang Biblia (1905): 13 kabanata, 406 talata, tekstong pampublikong dominyo.