Simula · 66 aklat · Bagong Tipan
Mga Pangkalahatang Sulat · aklat 59 sa 66Santiago
Ang pananampalatayang kumikilos: pagtitiis sa pagsubok, pakikinig at paggawa ng salita, pagpigil sa dila, karunungang mula sa itaas, at panalangin para sa mga maysakit. «Ang pananampalataya na walang mga gawa ay patay.»
Ang mga unang talata
Santiago 1 (Ang Biblia 1905): dito nagsisimula ang buong aklat.
- San 1:1
Si Santiago, na alipin ng Dios at ng Panginoon Jesucristo, ay bumabati sa labingdalawang angkan na nasa Pangangalat.
- San 1:2
Mga kapatid ko, ariin ninyong buong kagalakan, kung kayo’y mangahulog sa sarisaring tukso;
- San 1:3
Yamang nalalaman na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay gumagawa ng pagtitiis.
- San 1:4
At inyong pabayaan na ang pagtitiis ay magkaroon ng sakdal na gawa, upang kayo’y maging sakdal at ganap, na walang anoman kakulangan.
- San 1:5
Nguni’t kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay humingi sa Dios, na nagbibigay ng sagana sa lahat at hindi nanunumbat; at ito’y ibibigay sa kaniya.
Santiago: 5 kabanata
Bawat kabanata ay may sariling pahina, na may buong teksto.
Ipagpatuloy ang pagbabasa
Ang Santiago ay ang aklat 59 sa 66 ng Ang Biblia (1905): 5 kabanata, 108 talata, tekstong pampublikong dominyo.