Simula · 66 aklat · Lumang Tipan
Mga Maliliit na Propeta · aklat 36 sa 66Sofonias
Ang Araw ng Panginoon ay malapit na: paghatol sa Juda at sa mga bansa, at pagkatapos ay kagalakan. «Siya'y magagalak dahil sa iyo na may kagalakan… siya'y magagalak sa iyo na may pagawit.»
Ang mga unang talata
Sofonias 1 (Ang Biblia 1905): dito nagsisimula ang buong aklat.
- Sof 1:1
Ang salita ng Panginoon na dumating kay Zefanias na anak ni Cushi, na anak ni Gedalias, na anak ni Amarias, na anak ni Ezechias, nang mga kaarawan ni Josias na anak ni Amon, na hari sa Juda.
- Sof 1:2
Aking lubos na lilipulin ang lahat na bagay sa ibabaw ng lupa, sabi ng Panginoon.
- Sof 1:3
Aking lilipulin ang tao at ang hayop; aking lilipulin ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat, at ang mga katitisuran na kasama ng mga masama; at aking ihihiwalay ang tao sa ibabaw ng lupa, sabi ng Panginoon.
- Sof 1:4
At aking iuunat ang aking kamay sa Juda, at sa lahat na nananahan sa Jerusalem; at aking ihihiwalay ang nalabi kay Baal sa dakong ito, at ang pangalan ng mga Chemarim sangpu ng mga saserdote;
- Sof 1:5
At ang nagsisisamba sa natatanaw sa langit sa mga bubungan ng bahay; at ang nagsisisamba na nanunumpa sa Panginoon at nanunumpa sa pangalan ni Malcam;
Sofonias: 3 kabanata
Bawat kabanata ay may sariling pahina, na may buong teksto.
Ipagpatuloy ang pagbabasa
Ang Sofonias ay ang aklat 36 sa 66 ng Ang Biblia (1905): 3 kabanata, 53 talata, tekstong pampublikong dominyo.