Simula · 66 aklat · Bagong Tipan
Mga Sulat ni Pablo · aklat 52 sa 661 Tesalonica
Sa isang batang iglesiang inuusig: pasasalamat sa kanilang pananampalataya, panawagan sa banal na pamumuhay, at pag-asa sa pagbabalik ni Cristo. «Magsipanalangin kayong walang patid; sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayo.»
Ang mga unang talata
1 Tesalonica 1 (Ang Biblia 1905): dito nagsisimula ang buong aklat.
- 1 Tes 1:1
Si Pablo, at si Silvano, at si Timoteo, sa iglesia ng mga taga Tesalonica sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan.
- 1 Tes 1:2
Nangagpapasalamat kaming lagi sa Dios dahil sa inyong lahat, na aming binabanggit kayo sa aming mga panalangin;
- 1 Tes 1:3
Na aming inaalaalang walang patid sa harapan ng ating Dios at Ama, ang inyong gawa sa pananampalataya at pagpapagal sa pagibig at pagtitiis sa pagasa sa ating Panginoong Jesucristo;
- 1 Tes 1:4
Yamang aming nalalaman, mga kapatid na minamahal ng Dios, ang pagkahirang sa inyo,
- 1 Tes 1:5
Kung paanong ang aming evangelio ay hindi dumating sa inyo sa salita lamang, kundi sa kapangyarihan din naman, at sa Espiritu Santo, at sa lubos na katiwasayan; na gaya ng inyong nalalaman kung anong pagkatao namin ang aming ipinakita sa inyo dahil sa inyo.
1 Tesalonica: 5 kabanata
Bawat kabanata ay may sariling pahina, na may buong teksto.
Ipagpatuloy ang pagbabasa
Ang 1 Tesalonica ay ang aklat 52 sa 66 ng Ang Biblia (1905): 5 kabanata, 89 talata, tekstong pampublikong dominyo.