Simula · 66 aklat · Bagong Tipan
Mga Sulat ni Pablo · aklat 53 sa 662 Tesalonica
Pagwawasto ng mga maling akala tungkol sa Araw ng Panginoon: hindi pa ito dumarating. Panawagan sa pagtitiyaga at sa pagtatrabaho nang tahimik habang naghihintay sa Panginoon.
Ang mga unang talata
2 Tesalonica 1 (Ang Biblia 1905): dito nagsisimula ang buong aklat.
- 2 Tes 1:1
Si Pablo, at si Silvano, at si Timoteo, sa iglesia ng mga taga Tesalonica na nasa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo;
- 2 Tes 1:2
Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo.
- 2 Tes 1:3
Kami ay nararapat, mga kapatid, na mangagpasalamat na lagi sa Dios dahil sa inyo, gaya ng marapat, dahil sa ang inyong pananampalataya ay lumalaking lubha, at ang pagibig ng bawa’t isa sa iba’t iba sa inyong lahat ay sumasagana;
- 2 Tes 1:4
Ano pa’t kami sa aming sarili ay nangagkakapuri sa inyo sa mga iglesia ng Dios dahil sa inyong pagtitiis at pananampalataya sa lahat ng mga paguusig sa inyo at sa mga kapighatiang inyong tinitiis;
- 2 Tes 1:5
Na isang tandang hayag ng matuwid na paghukom ng Dios; upang kayo’y ariing karapatdapat sa kaharian ng Dios, na dahil dito’y nangagbabata rin naman kayo:
2 Tesalonica: 3 kabanata
Bawat kabanata ay may sariling pahina, na may buong teksto.
Ipagpatuloy ang pagbabasa
Ang 2 Tesalonica ay ang aklat 53 sa 66 ng Ang Biblia (1905): 3 kabanata, 47 talata, tekstong pampublikong dominyo.