Simula · 66 aklat · Bagong Tipan
Mga Sulat ni Pablo · aklat 54 sa 661 Timoteo
Mga tagubilin ni Pablo sa kaniyang batang katuwang na si Timoteo tungkol sa pamamahala ng iglesia: mga tagapangasiwa at diakono, pagsamba, mga huwad na guro, at ang kabanalan na may kasiyahan. «Si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan.»
Ang mga unang talata
1 Timoteo 1 (Ang Biblia 1905): dito nagsisimula ang buong aklat.
- 1 Tim 1:1
Si Pablo, na apostol ni Cristo Jesus ayon sa utos ng Dios na ating Tagapagligtas, at ni Cristo Jesus na ating pagasa;
- 1 Tim 1:2
Kay Timoteo na aking tunay na anak sa pananampalataya: Biyaya, kahabagan, at kapayapaan nawang mula sa Dios na Ama at kay Jesucristo na Panginoon natin.
- 1 Tim 1:3
Kung paanong ipinamanhik ko sa iyo na ikaw ay matira sa Efeso, nang pumaparoon ako sa Macedonia, upang maipagbilin mo sa ilang tao na huwag magsipagturo ng ibang aral,
- 1 Tim 1:4
Ni huwag makinig sa mga katha at sa mga kasaysayan ng mga lahi na walang katapusan, na pinanggagalingan ng pagtatalo, at hindi ng pagkakatiwalang mula sa Dios na nasa pananampalataya; ay gayon din ang ipinamamanhik ko ngayon.
- 1 Tim 1:5
Nguni’t ang kinauuwian ng bilin ay ang pagibig na nagbubuhat sa malinis na puso at sa mabuting budhi at sa pananampalatayang hindi paimbabaw:
1 Timoteo: 6 kabanata
Bawat kabanata ay may sariling pahina, na may buong teksto.
Ipagpatuloy ang pagbabasa
Ang 1 Timoteo ay ang aklat 54 sa 66 ng Ang Biblia (1905): 6 kabanata, 113 talata, tekstong pampublikong dominyo.