2 Samuel 23
2 Samuel 23, Ang Biblia (1905): ang buong kabanata, 39 talata, walang ads at walang rehistro.
Buong 2 Samuel 23
Ang Biblia (1905), 39 talata. Pindutin ang numero upang dumiretso sa talata.
- 2 Sam 23:1
Ito nga ang mga huling salita ni David. Sinabi ni David na anak ni Isai, At sinabi ng lalake na pinapangibabaw, Na pinahiran ng langis ng Dios ni Jacob, At kalugodlugod na mangaawit sa Israel:
- 2 Sam 23:2
Ang Espiritu ng Panginoon ay nagsalita sa pamamagitan ko, At ang kaniyang salita ay suma aking dila.
- 2 Sam 23:3
Sinabi ng Dios ng Israel, Ang malaking bato ng Israel ay nagsalita sa akin: Ang naghahari sa mga tao na may katuwiran, Na mamamahala sa katakutan sa Dios,
- 2 Sam 23:4
Siya’y magiging gaya ng liwanag sa kinaumagahan pagka ang araw ay sumisikat, Sa isang umagang walang mga alapaap; Pagka ang malambot na damo ay sumisibol sa lupa, Sa maliwanag na sikat pagkatapos ng ulan.
- 2 Sam 23:5
Katotohanang ang aking sangbahayan ay hindi gayon sa Dios; Gayon ma’y nakipagtipan siya sa akin ng isang tipang walang hanggan, Maayos sa lahat ng mga bagay, at maasahan: Sapagka’t siyang aking buong kaligtasan, at buong nasa. Bagaman hindi niya pinatubo.
- 2 Sam 23:6
Nguni’t ang mga di banal ay ipaghahagis na gaya ng mga tinik, Sapagka’t hindi nila matatangnan ng kamay:
- 2 Sam 23:7
Kundi ang lalake na humipo sa kanila, Marapat magsakbat ng bakal at ng puluhan ng sibat; At sila’y lubos na susunugin ng apoy sa kanilang kinaroroonan.
- 2 Sam 23:8
Ito ang mga pangalan ng mga makapangyarihang lalake na nasa kay David: Si Josebbasebet na Tachemonita, na pinuno ng mga kapitan; na siya ring si Adino na Eznita, na siyang dumaluhong laban sa walong daan na nangapatay ng paminsan.
- 2 Sam 23:9
At pagkatapos niya’y si Eleazar, na anak ni Dodo, na anak ng isang Ahohita, na isa sa tatlong malalakas na lalake na kasama ni David, nang sila’y mangakipagaway sa mga Filisteo, na nangapipisan doon upang makipagbaka, at ang mga lalake ng Israel ay nagsialis:
- 2 Sam 23:10
Siya’y bumangon, at sinaktan ang mga Filisteo hanggang sa ang kaniyang kamay ay nangalay, at ang kaniyang kamay ay nadikit sa tabak: at ang Panginoo’y gumawa ng dakilang pagtatagumpay sa araw na yaon: at ang bayan ay bumalik na kasunod niya, upang manamsam lamang.
- 2 Sam 23:11
At pagkatapos niya’y si Samma na anak ni Age, na Araita. At ang mga Filisteo ay nagpipisan sa isang pulutong, na kinaroroonan ng isang putol na lupa sa puno ng lentehas; at tinakasan ng bayan ang mga Filisteo.
- 2 Sam 23:12
Nguni’t siya’y tumayo sa gitna ng putol na yaon, at ipinagsanggalang niya, at pinatay ang mga Filisteo: at ang Panginoo’y gumawa ng dakilang pagtatagumpay.
- 2 Sam 23:13
At tatlo sa tatlong pung pinuno ay nagsilusong at nagsiparoon kay David sa pagaani sa yungib ng Adullam; at ang pulutong ng mga Filisteo ay nagsihantong sa libis ng Rephaim.
- 2 Sam 23:14
At si David nga’y nasa katibayan, at ang pulutong nga ng mga Filisteo ay nasa Bethlehem.
- 2 Sam 23:15
At nagnais si David, at nagsabi, Oh may magbigay sana sa akin ng tubig sa balon ng Bethlehem, na nasa tabi ng pintuang-bayan!
- 2 Sam 23:16
At ang tatlong malalakas na lalake ay nagsisagasa sa hukbo ng mga Filisteo, at nagsiigib ng tubig sa balon ng Bethlehem, na nasa siping ng pintuang bayan, at kinuha, at dinala kay David: nguni’t hindi niya ininom yaon, kundi kaniyang ibinuhos na handog sa Panginoon.
- 2 Sam 23:17
At kaniyang sinabi, Malayo sa akin, Oh Panginoon, na aking gawin ito: iinumin ko ba ang dugo ng mga lalake na nagsiparoon na ipinain ang kanilang buhay? kaya’t hindi niya ininom. Ang mga bagay na ito ay ginawa ng tatlong malalakas na lalake.
- 2 Sam 23:18
At si Abisai, na kapatid ni Joab, na anak ni Sarvia, ay pinuno ng tatlo. At kaniyang itinaas ang kaniyang sibat laban sa tatlong daan at pinatay niya sila, at nagkapangalan sa tatlo.
- 2 Sam 23:19
Hindi ba siya ang lalong marangal sa tatlo? kaya’t siya’y ginawang punong kawal nila: gayon ma’y hindi siya umabot sa unang tatlo.
- 2 Sam 23:20
At si Benaia, na anak ni Joiada, na anak ng matapang na lalake na taga Cabseel, na gumawa ng makapangyarihang gawa, na kaniyang pinatay ang dalawang anak ni Ariel na taga Moab; siya’y lumusong din at pumatay ng isang leon sa gitna ng isang hukay sa kapanahunan ng niebe.
- 2 Sam 23:21
At siya’y pumatay ng isang taga Egipto na malakas na lalake: at ang taga Egipto ay may sibat sa kaniyang kamay; nguni’t siya’y nilusong niyang may tungkod, at inagaw niya ang sibat sa kamay ng taga Egipto, at pinatay niya siya ng kaniyang sariling sibat.
- 2 Sam 23:22
Ang mga bagay na ito ay ginawa ni Benaias, na anak ni Joiada, at nagkapangalan sa tatlong malalakas na lalake.
- 2 Sam 23:23
Siya’y marangal kay sa tatlongpu, nguni’t sa unang tatlo’y hindi siya umabot. At inilagay ni David siya sa kaniyang bantay.
- 2 Sam 23:24
At si Asael na kapatid ni Joab ay isa sa tatlongpu; si Elhaanan na anak ni Dodo, na taga Bethlehem,
- 2 Sam 23:25
Si Samma na Harodita, si Elica na Harodita,
- 2 Sam 23:26
Si Heles na Paltita, si Hira na anak ni Jecces na Tecoita.
- 2 Sam 23:27
Si Abiezer na Anathothita, si Mebunai na Husatita,
- 2 Sam 23:28
Si Selmo na Hahohita, si Maharai na Netophathita,
- 2 Sam 23:29
Si Helec na anak ni Baana, na Netophathita, si Ithai na anak ni Ribai, na taga Gabaa, sa mga anak ng Benjamin.
- 2 Sam 23:30
Si Benaia na Pirathonita, si Hiddai sa mga batis ng Gaas,
- 2 Sam 23:31
Si Abi-albon na Arbathita, si Azmaveth na Barhumita,
- 2 Sam 23:32
Si Eliahba na Saalbonita, ang mga anak ni Jassen, si Jonathan,
- 2 Sam 23:33
Si Samma na Ararita, si Ahiam na anak ni Sarar, na Ararita,
- 2 Sam 23:34
Si Elipheleth na anak ni Asbai, na anak ni Maachateo, si Eliam na anak ni Achitophel na Gelonita,
- 2 Sam 23:35
Si Hesrai na Carmelita, si Pharai na Arbita;
- 2 Sam 23:36
Si Igheal na anak ni Nathan na taga Soba, si Bani na Gadita,
- 2 Sam 23:37
Si Selec na Ammonita, si Naharai na Beerothita, na mga tagadala ng sandata ni Joab na anak ni Sarvia;
- 2 Sam 23:38
Si Ira na Ithrita, si Gareb na Ithrita,
- 2 Sam 23:39
Si Uria na Hetheo: silang lahat ay tatlong pu’t pito.
2 Samuel: ang 24 kabanata
Bawat kabanata ay may sariling pahina, na may buong teksto.
Ipagpatuloy ang pagbabasa
Ang 2 Samuel 23 ay isa sa 24 kabanata ng 2 Samuel, ang aklat 10 sa 66 ng Ang Biblia (1905). Maaari mong basahin nang sunud-sunod, kabanata bawat kabanata, o maghanap ng mga salita sa 66 aklat.