Simula · 66 aklat · Lumang Tipan

Mga Aklat ng Kasaysayan · aklat 15 sa 66

Ezra

Ang pagbabalik ng mga Judio mula sa Babilonia at ang muling pagtatayo ng templo sa Jerusalem. Si Ezra, na eskriba at saserdote, ay nagturo ng Kautusan ng Dios sa bayang bumalik sa lupain.

10kabanata
280talata
Ezrdaglat
LTLumang Tipan

Ang mga unang talata

Ezra 1 (Ang Biblia 1905): dito nagsisimula ang buong aklat.

  1. Ezr 1:1

    Nang unang taon nga ni Ciro na hari sa Persia, upang ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias ay maganap, kinilos ng Panginoon ang diwa ni Ciro na hari sa Persia, na siya’y nagtanyag sa kaniyang buong kaharian, at isinulat din naman, na sinasabi,

  2. Ezr 1:2

    Ganito ang sabi ni Ciro na hari sa Persia, Ibinigay sa akin ng Panginoon, ng Dios ng langit, ang lahat na kaharian sa lupa; at ibinilin niya sa akin na ipagtayo ko siya ng isang bahay sa Jerusalem, na nasa Juda.

  3. Ezr 1:3

    Sinoman sa inyo sa kaniyang buong bayan, sumakaniya nawa ang kaniyang Dios, at umahon siya sa Jerusalem, na nasa Juda, at itayo ang bahay ng Panginoon, ng Dios ng Israel, (siya’y Dios,) na nasa Jerusalem.

  4. Ezr 1:4

    At sinomang naiwan sa alinmang dako na kaniyang pinakikipamayanan, tulungan siya ng mga lalake sa kaniyang kinaroroonan ng pilak, at ng ginto, at ng mga pag-aari, at ng mga hayop, bukod sa kusang handog sa bahay ng Dios na nasa Jerusalem.

  5. Ezr 1:5

    Nang magkagayo’y nagsibangon ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng Juda at Benjamin, at ang mga saserdote, at ang mga Levita, sa makatuwid baga’y lahat na ang diwa’y kinilos ng Dios na magsiahong itayo ang bahay ng Panginoon na nasa Jerusalem.

Ezra: 10 kabanata

Bawat kabanata ay may sariling pahina, na may buong teksto.

Ipagpatuloy ang pagbabasa

Ang Ezra ay ang aklat 15 sa 66 ng Ang Biblia (1905): 10 kabanata, 280 talata, tekstong pampublikong dominyo.