Ang mga unang talata
Filemon 1 (Ang Biblia 1905): dito nagsisimula ang buong aklat.
- Flm 1:1
Si Pablo, na bilanggo ni Cristo Jesus, at si Timoteo na ating kapatid kay Filemon na aming minamahal at kamanggagawa,
- Flm 1:2
At kay Apia na ating kapatid na babae, at kay Arquipo na kapuwa kawal namin, at sa iglesia sa iyong bahay:
- Flm 1:3
Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo.
- Flm 1:4
Nagpapasalamat akong lagi sa aking Dios, na ikaw ay binabanggit ko sa aking mga panalangin,
- Flm 1:5
Sa pagkabalita ko ng iyong pagibig, at ng pananampalataya mo sa Panginoong Jesus, at sa lahat ng mga banal;
Filemon: 1 kabanata
Bawat kabanata ay may sariling pahina, na may buong teksto.
Ipagpatuloy ang pagbabasa
Ang Filemon ay ang aklat 57 sa 66 ng Ang Biblia (1905): 1 kabanata, 25 talata, tekstong pampublikong dominyo.