Simula · 66 aklat · Bagong Tipan

Mga Pangkalahatang Sulat · aklat 58 sa 66

Mga Hebreo

Si Jesus ay higit sa mga anghel, kay Moises at sa mga saserdote: ang dakilang saserdote ng bagong tipan na minsanang naghandog ng kaniyang sarili. Ang malaking kabanata ng pananampalataya (Hebreo 11) at ang panawagang tumingin kay Jesus.

13kabanata
303talata
Hebdaglat
BTBagong Tipan

Ang mga unang talata

Mga Hebreo 1 (Ang Biblia 1905): dito nagsisimula ang buong aklat.

  1. Heb 1:1

    Ang Dios, na nagsalita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba’t ibang panahon at sa iba’t ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta,

  2. Heb 1:2

    Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan, ng kaniyang Anak, na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman niya’y ginawa ang sanglibutan;

  3. Heb 1:3

    Palibhasa’y siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at tunay na larawan ng kaniyang pagka-Dios, at umaalalay ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan, nang kaniyang magawa na ang paglilinis ng mga kasalanan, ay lumuklok sa kanan ng Karangalan sa kaitaasan;

  4. Heb 1:4

    Na naging lalong mabuti kay sa mga anghel, palibhasa’y nagmana ng lalong marilag na pangalan kay sa kanila.

  5. Heb 1:5

    Sapagka’t kanino nga sa mga anghel sinabi niya kailan man, Ikaw ay aking Anak, Ikaw ay aking ipinanganak ngayon? at muli, Ako’y magiging kaniyang Ama, At siya’y magiging aking Anak?

Mga Hebreo: 13 kabanata

Bawat kabanata ay may sariling pahina, na may buong teksto.

Ipagpatuloy ang pagbabasa

Ang Mga Hebreo ay ang aklat 58 sa 66 ng Ang Biblia (1905): 13 kabanata, 303 talata, tekstong pampublikong dominyo.