Simula · 66 aklat · Job

Lumang Tipan · Mga Aklat ng Tula · kabanata 4 sa 42

Job 4

Job 4, Ang Biblia (1905): ang buong kabanata, 21 talata, walang ads at walang rehistro.

21talata
4 / 42kabanata
Job 4sanggunian
LTLumang Tipan

Buong Job 4

Ang Biblia (1905), 21 talata. Pindutin ang numero upang dumiretso sa talata.

  1. Job 4:1

    Nang magkagayo’y sumagot si Eliphaz na Temanita, at nagsabi,

  2. Job 4:2

    Kung tikman ng isa na makipagusap sa iyo, ikababalisa mo ba? Nguni’t sinong makapipigil ng pagsasalita?

  3. Job 4:3

    Narito, ikaw ay nagturo sa marami, at iyong pinalakas ang mahinang mga kamay.

  4. Job 4:4

    Ang iyong mga salita ay nagsialalay sa nangabubuwal, at iyong pinalakas ang mahinang mga tuhod.

  5. Job 4:5

    Nguni’t ngayo’y dinaratnan ka ng kasamaan, at ikaw ay nanglulupaypay; ginagalaw ka, at ikaw ay nababagabag.

  6. Job 4:6

    Hindi ba ang iyong takot sa Dios ay ang iyong tiwala, at ang iyong pagasa ay ang pagtatapat ng iyong mga lakad?

  7. Job 4:7

    Iyong alalahanin, isinasamo ko sa iyo, kung sino ang namatay, na walang malay? O saan nangahiwalay ang mga matuwid?

  8. Job 4:8

    Ayon sa aking pagkakita yaong nagsisipagararo ng kasamaan, at nangaghahasik ng kabagabagan ay gayon din ang inaani.

  9. Job 4:9

    Sa hinga ng Dios sila’y nangamamatay, at sa bugso ng kaniyang galit sila’y nangalilipol.

  10. Job 4:10

    Ang ungal ng leon, at ang tinig ng mabangis na leon, at ang mga ngipin ng mga batang leon, ay nangabali.

  11. Job 4:11

    Ang matandang leon ay namamatay dahil sa kawalan ng huli, at ang mga batang leong babae ay nagsisipangalat.

  12. Job 4:12

    Ngayo’y nadalang lihim sa akin ang isang bagay, at ang aking pakinig ay nakakaulinig ng bulong niyaon.

  13. Job 4:13

    Sa mga pagiisip na mula sa mga pangitain sa gabi, pagka ang mahimbing na tulog ay nahuhulog sa mga tao,

  14. Job 4:14

    Takot ay dumating sa akin, at panginginig, na nagpapanginig ng lahat ng aking mga buto.

  15. Job 4:15

    Nang magkagayo’y dumaan ang isang espiritu sa aking mukha. Ang balahibo ng aking balat ay nanindig.

  16. Job 4:16

    Tumayong nakatigil, nguni’t hindi ko mawari ang anyo niyaon; isang anyo ang nasa harap ng aking mga mata: tahimik, at ako’y nakarinig ng tinig, na nagsasabi,

  17. Job 4:17

    Magiging ganap pa ba ang taong may kamatayan kay sa Dios? Lilinis pa ba kaya ang tao kay sa Maylalang sa kaniya?

  18. Job 4:18

    Narito, siya’y hindi naglalagak ng tiwala sa kaniyang mga lingkod; at inaari niyang mga mangmang ang kaniyang mga anghel:

  19. Job 4:19

    Gaano pa kaya sila na nagsisitahan sa mga bahay na putik, na ang patibayan ay nasa alabok, na napipisang gaya ng paroparo!

  20. Job 4:20

    Sa pagitan ng umaga at hapon, ay nangagigiba; nangapaparam magpakailan man na walang pumupuna.

  21. Job 4:21

    Hindi ba nalalagot ang tali ng kanilang tolda sa loob nila? Sila’y nangamamatay at walang karunungan.

Job: ang 42 kabanata

Bawat kabanata ay may sariling pahina, na may buong teksto.

Ipagpatuloy ang pagbabasa

Ang Job 4 ay isa sa 42 kabanata ng Job, ang aklat 18 sa 66 ng Ang Biblia (1905). Maaari mong basahin nang sunud-sunod, kabanata bawat kabanata, o maghanap ng mga salita sa 66 aklat.