Simula · 66 aklat · Lumang Tipan
Mga Maliliit na Propeta · aklat 31 sa 66Obadias
Ang pinakamaikling aklat ng Lumang Tipan: paghatol laban sa Edom dahil sa kaniyang kapalaluan at sa pagkakanulo sa kaniyang kapatid na Juda. Ang kaharian ay magiging sa Panginoon.
Ang mga unang talata
Obadias 1 (Ang Biblia 1905): dito nagsisimula ang buong aklat.
- Oba 1:1
Ang pangitain ni Obadias. Ganito ang sabi ng Panginoong Dios tungkol sa Edom, Kami ay nakarinig ng mga balita na mula sa Panginoon, at isang sugo ay sinugo sa mga bansa, na nagsasabi, Magsibangon kayo, at tayo’y mangagtindig laban sa kaniya sa pakikipagbaka.
- Oba 1:2
Narito, ginawa kitang maliit sa mga bansa: ikaw ay lubhang hinamak.
- Oba 1:3
Dinaya ka ng kapalaluan ng iyong puso, Oh ikaw na tumatahan sa mga bitak ng bato, na ang tahanan ay matayog; na nagsasabi sa kaniyang puso, Sinong magbababa sa akin sa lupa?
- Oba 1:4
Bagaman ikaw ay pailanglang sa itaas na parang aguila, at bagaman ang iyong pugad ay malagay sa gitna ng mga bituin, aking ibababa ka mula roon, sabi ng Panginoon.
- Oba 1:5
Kung ang mga magnanakaw ay nagsiparoon sa iyo, kung mga mangloloob sa gabi (paano kang nahiwalay!) di baga sila sana’y nangagnakaw hanggang sa sila’y nangagkaroon ng sapat? kung mga mamimitas ng ubas ay nagsiparoon sa iyo, di baga sila sana’y nangagiwan ng laglag na ubas?
Obadias: 1 kabanata
Bawat kabanata ay may sariling pahina, na may buong teksto.
Ipagpatuloy ang pagbabasa
Ang Obadias ay ang aklat 31 sa 66 ng Ang Biblia (1905): 1 kabanata, 21 talata, tekstong pampublikong dominyo.