Simula · 66 aklat · Mga Awit

Lumang Tipan · Mga Aklat ng Tula · awit 142 sa 150

Mga Awit 142

Mga Awit 142, Ang Biblia (1905): ang buong awit, 7 talata, walang ads at walang rehistro.

7talata
142 / 150mga awit
Awit 142sanggunian
LTLumang Tipan

Buong Mga Awit 142

Ang Biblia (1905), 7 talata. Pindutin ang numero upang dumiretso sa talata.

  1. Awit 142:1

    Ako’y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon; ako’y namamanhik ng aking tinig sa Panginoon.

  2. Awit 142:2

    Aking ibinubugso ang daing ko sa harap niya; aking ipinakilala sa harap niya ang kabagabagan ko.

  3. Awit 142:3

    Nang nanglupaypay ang diwa ko sa loob ko, nalaman mo ang aking landas. Sa daan na aking nilalakaran ay pinagkukublihan nila ako ng silo.

  4. Awit 142:4

    Tumingin ka sa aking kanan, at tingnan mo: sapagka’t walang tao na nakakakilala sa akin: kanlungan ay kulang ako; walang taong lumilingap sa aking kaluluwa.

  5. Awit 142:5

    Ako’y dumaing sa iyo, Oh Panginoon; aking sinabi: Ikaw ay aking kanlungan, aking bahagi sa lupain ng may buhay.

  6. Awit 142:6

    Pakinggan mo ang aking daing; sapagka’t ako’y totoong nababa: iligtas mo ako sa nagsisiusig sa akin; sapagka’t sila’y malakas kay sa akin.

  7. Awit 142:7

    Ilabas mo ang aking kaluluwa sa bilangguan, upang ako’y makapagpasalamat sa iyong pangalan: kubkubin ako ng matuwid; sapagka’t ikaw ay gagawang may kagandahang-loob sa akin.

Ipagpatuloy ang pagbabasa

Ang Mga Awit 142 ay isa sa 150 awit ng aklat ng Mga Awit, ang aklat 19 sa 66 ng Ang Biblia (1905). Maaari mong basahin nang sunud-sunod, awit bawat awit, o maghanap ng mga salita sa 66 aklat.