Simula · 66 aklat · Mga Awit

Lumang Tipan · Mga Aklat ng Tula · awit 2 sa 150

Mga Awit 2

Mga Awit 2, Ang Biblia (1905): ang buong awit, 12 talata, walang ads at walang rehistro.

12talata
2 / 150mga awit
Awit 2sanggunian
LTLumang Tipan

Buong Mga Awit 2

Ang Biblia (1905), 12 talata. Pindutin ang numero upang dumiretso sa talata.

  1. Awit 2:1

    Bakit ang mga bansa ay nangagugulo, at ang mga bayan ay nangagaakala ng walang kabuluhang bagay?

  2. Awit 2:2

    Ang mga hari sa lupa ay nagsisihanda, at ang mga pinuno ay nagsasanggunian, Laban sa Panginoon at laban sa kaniyang pinahiran ng langis, na sinasabi:

  3. Awit 2:3

    Lagutin natin ang kanilang tali, at ating iwaksi ang kanilang mga panali sa atin.

  4. Awit 2:4

    Siyang nauupo sa kalangitan ay tatawa: ilalagay sila ng Panginoon sa kakutyaan.

  5. Awit 2:5

    Kung magkagayo’y magsasalita siya sa kanila sa kaniyang poot, at babagabagin sila sa kaniyang malabis na sama ng loob:

  6. Awit 2:6

    Gayon ma’y inilagay ko ang aking hari sa aking banal na bundok ng Sion.

  7. Awit 2:7

    Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya: sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay aking anak; sa araw na ito ay ipinanganak kita.

  8. Awit 2:8

    Humingi ka sa akin, at ibibigay ko sa iyo ang mga bansa na iyong pinakamana, at ang mga pinakadulong bahagi ng lupa ay iyong pinakaari.

  9. Awit 2:9

    Sila’y iyong babaliin ng isang pamalong bakal; iyong dudurugin sila na parang isang sisidlan ng magpapalyok.

  10. Awit 2:10

    Ngayon nga’y magpakapantas kayo, Oh kayong mga hari: mangatuto kayo, kayong mga hukom sa lupa.

  11. Awit 2:11

    Kayo’y mangaglingkod sa Panginoon na may takot, at mangagalak na may panginginig.

  12. Awit 2:12

    Hagkan ninyo ang anak, baka magalit siya, at kayo’y mangapahamak sa daan, sapagka’t ang kaniyang poot ay madaling magalab. Mapapalad ang nanganganlong sa kaniya.

Ipagpatuloy ang pagbabasa

Ang Mga Awit 2 ay isa sa 150 awit ng aklat ng Mga Awit, ang aklat 19 sa 66 ng Ang Biblia (1905). Maaari mong basahin nang sunud-sunod, awit bawat awit, o maghanap ng mga salita sa 66 aklat.