Simula · 66 aklat · Exodo

Lumang Tipan · Pentateuko · kabanata 25 sa 40

Exodo 25

Exodo 25, Ang Biblia (1905): ang buong kabanata, 40 talata, walang ads at walang rehistro.

40talata
25 / 40kabanata
Exo 25sanggunian
LTLumang Tipan

Buong Exodo 25

Ang Biblia (1905), 40 talata. Pindutin ang numero upang dumiretso sa talata.

  1. Exo 25:1

    At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,

  2. Exo 25:2

    Salitain mo sa mga anak ni Israel, na sila’y magdala sa akin ng isang handog: ang bawa’t tao na maganyak ang puso sa kagandahang loob ay kukunan ninyo ng handog sa akin.

  3. Exo 25:3

    At ito ang handog na inyong kukunin sa kanila; ginto, at pilak, at tanso;

  4. Exo 25:4

    At kayong bughaw, kulay-ube, at pula, at lino at balahibo ng kambing;

  5. Exo 25:5

    At mga balat ng lalaking tupa na tinina sa pula, at mga balat ng poka, at kahoy na akasia;

  6. Exo 25:6

    Langis sa ilawan, mga espesia sa langis na pangpahid, at sa mabangong pangsuob;

  7. Exo 25:7

    Mga batong onix, at mga batong pangkalupkop sa efod, at sa pektoral.

  8. Exo 25:8

    At kanilang igawa ako ng isang santuario; upang ako’y makatahan sa gitna nila.

  9. Exo 25:9

    Ayon sa lahat ng aking ipinakita sa iyo, sa anyo ng tabernakulo at sa anyo ng lahat ng kasangkapan niyaon ay gayon ninyo gagawin.

  10. Exo 25:10

    At sila’y gagawa ng isang kaban na kahoy na akasia: na may dalawang siko’t kalahati ang haba niyaon, at may isang siko’t kalahati ang luwang niyaon, at may isang siko’t kalahati ang taas niyaon.

  11. Exo 25:11

    At iyong babalutin ng taganas na ginto; sa loob at sa labas ay iyong babalutin, at igagawa mo sa ibabaw ng isang kornisa sa palibot.

  12. Exo 25:12

    At ipagbububo mo ng apat na argolyang ginto, at ipaglalagay mo sa apat na paa niyaon, at dalawang argolya ang mapapasa isang tagiliran niyaon, at dalawang argolya sa kabilang tagiliran niyaon.

  13. Exo 25:13

    At gagawa ka ng mga pingga na kahoy na akasia at iyong babalutin ng ginto.

  14. Exo 25:14

    At iyong isusuot ang mga pingga sa loob ng mga argolya, sa mga tagiliran ng kaban, upang mabuhat ang kaban.

  15. Exo 25:15

    Ang mga pingga ay masusuot sa loob ng mga argolya ng kaban: hindi aalisin doon.

  16. Exo 25:16

    At iyong isisilid sa kaban ang mga kinalalagdaan ng patotoo na aking ibibigay sa iyo.

  17. Exo 25:17

    At gagawa ka ng isang luklukan ng awa, na taganas na ginto: na may dalawang siko’t kalahati ang haba niyaon, at may isang siko’t kalahati ang luwang niyaon.

  18. Exo 25:18

    At gagawa ka ng dalawang querubing ginto; na yari sa pamukpok iyong gagawin, sa dalawang dulo ng luklukan ng awa.

  19. Exo 25:19

    At gawin mo ang isang querubin sa isang dulo, at ang isang querubin sa kabilang dulo: kaputol ng luklukan ng awa, gagawin mo ang mga querubin sa dalawang dulo niyaon.

  20. Exo 25:20

    At ibubuka ng mga querubin ang kanilang pakpak na paitaas, na nilililiman ang luklukan ng awa, ng kanilang mga pakpak, na ang kanilang mukha ay nagkakaharap, sa dakong luklukan ng awa ihaharap ang mga mukha ng mga querubin.

  21. Exo 25:21

    At iyong ilalagay ang luklukan ng awa sa ibabaw ng kaban; at sa loob ng kaban, ay iyong ilalagay ang mga kinalalagdaan ng patotoo, na aking ibibigay sa iyo.

  22. Exo 25:22

    At diya’y makikipagkita ako sa iyo, at makikipanayam sa iyo mula sa ibabaw ng luklukan ng awa, sa gitna ng dalawang querubin na nangasa ibabaw ng kaban ng patotoo, tungkol sa lahat ng mga bagay na ibibigay ko sa iyong utos sa mga anak ni Israel.

  23. Exo 25:23

    At gagawa ka ng isang dulang na kahoy na akasia: na may dalawang siko ang haba niyaon, at isang siko ang luwang niyaon, at isang siko’t kalahati ang taas niyaon.

  24. Exo 25:24

    At iyong babalutin ng taganas na ginto, at igagawa mo ng isang kornisang ginto sa palibot.

  25. Exo 25:25

    At igagawa mo ng isang gilid na may isang palad ng kamay ang luwang sa palibot, at igagawa mo ng isang kornisang ginto ang palibot ng gilid niyaon.

  26. Exo 25:26

    At igagawa mo ng apat na argolyang ginto, at ilalagay mo ang mga argolya sa apat na sulok na ukol sa apat na paa niyaon.

  27. Exo 25:27

    Malalapit sa gilid ang mga argolya, sa daraanan ng mga pingga, upang madala ang dulang.

  28. Exo 25:28

    At gagawin mo ang mga pingga na kahoy na akasia, at iyong babalutin ng ginto, upang ang dulang ay madala ng mga yaon.

  29. Exo 25:29

    At gagawa ka ng mga pinggan niyaon, at ng mga kutsara niyaon, at ng mga kopa niyaon, at ng mga tasa niyaon na pagbubuhusan; na iyong gagawing taganas na ginto.

  30. Exo 25:30

    At ilalagay mo sa dulang ang tinapay na handog sa harap ko na palagi.

  31. Exo 25:31

    At gagawa ka ng isang kandelerong taganas na ginto: yari sa pamukpok gagawin mo ang kandelero, ang tuntungan niyaon, at ang haligi niyaon; ang mga kopa niyaon, ang mga globito niyaon at ang mga bulaklak niyaon ay mga kaputol:

  32. Exo 25:32

    At magkakaroon ng anim na sangang lumalabas sa mga tagiliran niyaon; tatlong sanga ng kandelero’y sa isang tagiliran niyaon, at ang tatlong sanga ng kandelero ay sa kabilang tagiliran niyaon:

  33. Exo 25:33

    At magkakaroon ng tatlong kopang anyong bulaklak ng almendro sa isang sanga, isang globito at isang bulaklak; at tatlong kopang anyong bulaklak ng almendro sa kabilang sanga, isang globito at isang bulaklak; at gayon sa anim na sangang lumalabas sa kandelero.

  34. Exo 25:34

    At sa haligi ng kandelero’y magkakaroon ng apat na kopang anyong bulaklak ng almendro, sangpu ng mga globito niyaon, at ng mga bulaklak niyaon:

  35. Exo 25:35

    At magkakaroon ng isang globito sa ilalim ng dalawa sa mga sanga, at isang globito sa ilalim ng kabilang dalawa sa mga sanga na kaputol niyaon, at isang globito sa ilalim ng dalawang sangang nalalabi ayon sa anim na sanga na lumalabas sa kandelero.

  36. Exo 25:36

    Ang magiging mga globito at mga sanga niyaon ay kaputol: kabuoan niyaon ay isa lamang putol na yari sa pamukpok, na taganas na ginto.

  37. Exo 25:37

    At igagawa mo ng kaniyang mga ilawan, na pito: at kanilang sisindihan ang mga ilawan niyaon, upang lumiwanag sa dakong tapat ng kandelero.

  38. Exo 25:38

    At ang magiging mga gunting at mga pinggan niyaon ay taganas na ginto.

  39. Exo 25:39

    Isang talentong taganas na ginto gagawin, sangpu ng lahat ng kasangkapang ito.

  40. Exo 25:40

    At ingatan mo, na iyong gawin ayon sa anyo ng mga yaon na ipinakita sa iyo sa bundok.

Exodo: ang 40 kabanata

Bawat kabanata ay may sariling pahina, na may buong teksto.

Ipagpatuloy ang pagbabasa

Ang Exodo 25 ay isa sa 40 kabanata ng Exodo, ang aklat 2 sa 66 ng Ang Biblia (1905). Maaari mong basahin nang sunud-sunod, kabanata bawat kabanata, o maghanap ng mga salita sa 66 aklat.