Simula · 66 aklat · Exodo

Lumang Tipan · Pentateuko · kabanata 33 sa 40

Exodo 33

Exodo 33, Ang Biblia (1905): ang buong kabanata, 23 talata, walang ads at walang rehistro.

23talata
33 / 40kabanata
Exo 33sanggunian
LTLumang Tipan

Buong Exodo 33

Ang Biblia (1905), 23 talata. Pindutin ang numero upang dumiretso sa talata.

  1. Exo 33:1

    At sinalita ng Panginoon kay Moises, Yumaon ka, sumampa ka mula rito, ikaw at ang bayan na iyong isinampa mula sa lupain ng Egipto, na patungo kayo sa lupain na aking isinumpa kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, na aking sinasabi, Sa iyong binhi ay aking ibibigay.

  2. Exo 33:2

    At aking susuguin ang isang anghel sa unahan mo: at aking palalayasin ang Cananeo, ang Amorrheo, at ang Hetheo, at ang Pherezeo, ang Heveo, at ang Jebuseo:

  3. Exo 33:3

    Sa isang lupaing binubukalan ng gatas at pulot: sapagka’t hindi ako sasampa sa gitna mo; sapagka’t ikaw ay bayang may matigas na ulo; baka ikaw ay aking lipulin sa daan.

  4. Exo 33:4

    At nang marinig ng bayan ang masasamang balitang ito, ay nanangis sila: at walang taong nagsuot ng kaniyang mga pahiyas.

  5. Exo 33:5

    At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sabihin mo sa mga anak ni Israel, Kayo’y isang bayang may matigas na ulo: kung ako’y sumampa sa gitna mo na sangdali, ay lilipulin kita: kaya’t ngayo’y alisin mo ang iyong mga pahiyas sa iyo upang aking maalaman kung anong aking gagawin sa iyo.

  6. Exo 33:6

    At ang mga anak ni Israel ay naghubad ng kanilang mga pahiyas mula sa bundok ng Horeb.

  7. Exo 33:7

    Kinaugalian nga ni Moises na dalhin ang tolda at itayo sa labas ng kampamento, na malayo sa kampamento at kaniyang tinawag iyon, Tabernakulo ng kapisanan. At nangyari na bawa’t magsiyasat sa Panginoon ay lumalabas na pumaparoon sa tabernakulo ng kapisanan, na nasa labas ng kampamento.

  8. Exo 33:8

    At nangyari, pagka si Moises ay lumalabas na napasa sa Tolda, na ang buong bayan ay bumabangon at tumatayo, bawa’t lalake sa pintuan ng kaniyang tolda at pinanonood si Moises hanggang sa makapasok sa Tolda.

  9. Exo 33:9

    At nangyari, pagka si Moises ay pumapasok sa Tolda ay bumababa ang haliging ulap at tumitigil sa pintuan ng Tolda ang Panginoon ay nakikipagsalitaan kay Moises.

  10. Exo 33:10

    At nakikita ng buong bayan ang haliging ulap at tumitigil sa pintuan ng Tolda; at ang buong bayan ay tumitindig at sumasamba, na bawa’t isa’y sa tabi ng pintuan ng kaniyang tolda.

  11. Exo 33:11

    At nakikipagsalitaan ang Panginoon kay Moises ng mukhaan, gaya ng isang taong nakikipagsalitaan sa kaniyang kaibigan. At siya’y bumabalik uli sa kampamento, datapuwa’t ang kaniyang tagapangasiwang si Josue, na anak ni Nun, na may kabataan pa, ay hindi umaalis sa Tolda.

  12. Exo 33:12

    At sinabi ni Moises sa Panginoon, Tingnan mo, iyong sinasabi sa akin: Isampa mo ang bayang ito: at hindi mo ipinakilala sa akin kung sino yaong susuguin mo na kasama ko. Gayon ma’y iyong sinabi, Aking nakikilala ka sa pangalan, at ikaw rin naman ay nakasumpong ng biyaya sa aking paningin.

  13. Exo 33:13

    Ngayon nga, isinasamo ko sa iyo, na kung ako’y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, ay ituro mo sa akin ngayon ang iyong mga daan, upang ikaw ay aking makilala, na ano pa’t ako’y makasumpong ng biyaya sa iyong paningin: at akalain mo, na ang bansang ito ay iyong bayan.

  14. Exo 33:14

    At kaniyang sinabi, Ako’y sasa iyo, at ikaw ay aking bibigyan ng kapahingahan.

  15. Exo 33:15

    At sinabi niya sa kaniya, Kung ikaw ay hindi sasa akin ay huwag mo na kaming pasampahin mula rito.

  16. Exo 33:16

    Sapagka’t saan ngayon makikilala na ako’y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, ako at ang iyong bayan? hindi ba dahil sa ikaw ay lumalakad na kasama namin, upang kami ay maging bukod, ako at ang iyong bayan, sa lahat ng bayan na nasa balat ng lupa?

  17. Exo 33:17

    At sinabi ng Panginoon kay Moises, Akin ding gagawin ang bagay na ito na iyong sinalita: sapagka’t ikaw ay nakasumpong ng biyaya sa aking paningin, at ikaw ay aking nakikilala sa pangalan.

  18. Exo 33:18

    At sinabi ni Moises, Ipakita mo sa akin, idinadalangin ko sa iyo, ang iyong kaluwalhatian.

  19. Exo 33:19

    At kaniyang sinabi, Aking papangyayarihin ang aking buong kabutihan sa harap mo, at aking itatanyag ang pangalan ng Panginoon sa harap mo; at ako’y magkakaloob ng biyaya sa kanino mang aking ibig pagkalooban, at ako’y magmamaawain sa kanino mang aking ibig kaawaan.

  20. Exo 33:20

    At kaniyang sinabi, Hindi mo makikita ang aking mukha: sapagka’t hindi maaaring makita ako ng tao at mabuhay.

  21. Exo 33:21

    At sinabi ng Panginoon, Narito, may isang dako sa tabi ko, at ikaw ay tatayo sa ibabaw ng batong iyan:

  22. Exo 33:22

    At mangyayari, na samantalang ang aking kaluwalhatian ay dumadaan, na aking ilalagay ka sa isang bitak ng bato, at tatakpan kita ng aking kamay hanggang sa ako’y makaraan:

  23. Exo 33:23

    At aking aalisin ang aking kamay, at iyong makikita ang aking likod: datapuwa’t ang aking mukha ay hindi makikita.

Exodo: ang 40 kabanata

Bawat kabanata ay may sariling pahina, na may buong teksto.

Ipagpatuloy ang pagbabasa

Ang Exodo 33 ay isa sa 40 kabanata ng Exodo, ang aklat 2 sa 66 ng Ang Biblia (1905). Maaari mong basahin nang sunud-sunod, kabanata bawat kabanata, o maghanap ng mga salita sa 66 aklat.